Sabi sa akin ng aking mga kaibigan na araw ng wika ngayon at dapat magsalita at magsulat lamang sa wikang Filipino. Naisip ko gumawa ng isang blog post gamit ang ating wika para matingnan kung meron pa akong kakayahan magsulat sa wikang Filipino.
Nagugulat ang marami kong mga kaibigang nakatira sa ibang bansa kapag sinasabi ko sa kanila na mas madalas tayong mga Pinoy magbasa at magsulat sa wikang Ingles kesa Filipino. Kung iyong titingnan mas marami tayong mga website na nasa wikang Ingles kesa Filipino. Pero kapag tayo naman ay nagkwekwentuhan mas gamit natin ang Filipino o kung minsan, jejemon.
Sa tingin ko sasang-ayon ang marami sa obserbasyon ko na ito. Aaminin ko na kapag pumupunta ako sa tindahan ng mga libro bihirang-bihira ako bumili ng librong nakasulat sa wikang Filipino. Pero mahilig naman ako manood ng mga lokal na pelikula at paborito ko si John Lloyd Cruz! Mahilig din ako sa OPM at mas madalas ako bumili ng lokal na CD. At mas gusto ko rin nagbabakasyon dito sa ating bansa dahil napakarami natin magagandang isla at siyempre mas matipid ito kesa pumunta sa ibang bansa!
Ikaw kaibigan, katoto, kapamilya, ka-berks, kapuso, ano'ng mga trip mo? :)
No comments:
Post a Comment