Magaling ka ba magsulat sa wikang Filipino? O mas sanay ka magsulat sa wikang Ingles?
Naalala niyo ba yung Fita commercial na "Fairy"? Yung kalahating pulang sports car? O yung Fita commercial na "Bespren"? Ang tanyag na manunulat nun, si Bryan Supan Siy, ay ang aking punong patnugot at matalik na kaibigan noon sa DLSU. At siya ang nagturo, pumilit, sa akin matutong magsulat sa wikang Filipino.
At naalala niyo ba yung commercial ni Piolo Pascual at Tony Gonzaga? Yung, "Magpakatotoo ka sister. I love you Piolooooooo!" Best friend ko po, si Tappy, ang lumikha noon.
Hindi man ako nagsusulat na sa wikang Filipino - dahil mas gamay ko magsulat sa Ingles at pansinin, nagsusulat ako kung paano ako magsalita - isa itong bagay na gusto kong pagpraktisan paminsan-minsan. Abangan na lang lamang sa mga susunod na linggo kung ano ang tinutukoy ko. Hehe.
So! Hoy Pinoy! Pinay! Mga kapatiiiid!!! Sumali na sa Wika 2007 Blog Writing Contest!
At siyempre, huwag kalimutan sumali sa contest din ng SM Hypermarket.
Manalo man o hindi, gamitin ang pagkakataong ito upang ipagmalaki na isa kang Pinoy!
Hindi busilak ang puso ng binata. Sarcasm ang sinabi ng feyri.
ReplyDelete@filipinayzd - Exactly. My friend is as complex as that as well.
ReplyDeleteSa ibang perspektiv, busilak ang puso ng binata subalit hindi ang feyri. Ang kalahating piraso ng kraker ay makakain, ang kalahating isporskar ay hindi maidadrayv. ;p
ReplyDeletePaano ba sumali dyan sa Wika 2007?
@filipinayzd - punta ka po sa website nila, nasa post ko ang link :)
ReplyDeletesana payagan din makilahok ang mga hindi tagalog. halimbawa ang bisaya na samakatuwid ay gamit ng mas nakakarami sa ating mga kapatid na pinoy sa buong pilipinas.
ReplyDelete