Nung nasa kolehiyo pa ako naisip ko na dapat matuto rin ako magsulat sa ating wika. Nagpaturo ako sa isa kong kasamahan sa org at nakapag-lathala naman ako ng ilang kwento. Iba ang kinalabasan ng mga sinulat kong kwento nun, mas mababaw at nakakatawa kaya malaki ang aking respeto sa mga manunulat na magaling magsulat sa ating wika.
Marami akong kaibigan na kahit nasa Pilipinas eh Ingles ang ginagamit sa pagsasalita. Aaminin ko natuto ako mag-Filipino sa school bus dahil sinanay ako ng magulang ko nung ako ay maliit pa. Mula nung ako ay matuto mag-Filipino yun na lagi ko ginagamit. Hindi masyado masaya magulang ko kasi sabi nila eh yun daw ang "language of business" and makakatulong sa akin kapag may trabaho na ako. Eh matigas ulo ko at mas komportable ako magsalita sa ating wika. Hindi naman ito naging hadlang sa pag-usad ng aking karir at ang mga kaibigan at katrabaho ko na Pinoy kinakausap ko pa rin sa ating wika kahit Ingles sila ng Ingles.
Bakit ko ito ginagawa? Sanay naman ako magkwento sa wikang Ingles (kaso sabi nila sa opisina makapal daw ang aking Pinoy accent). Dedma lang kasi sila rin naman ay may accent (at mas mahirap maintindihan yung mga taga-Europa), hehehe. Sa tingin ko malaki ang naging impluwensya sa akin ng kanta ni Florante noong ako'y bata pa --
"Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.
Si Gat Jose Rizal nuo'y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda."
Kaya naisip ko na kahit na "English is the language of business" eh ang paggamit ng ating wika sa pang-araw-araw ay importante dahil kahit dito man lang mapakita ko sa iba na ako ay Pilipino at ipinagmamalaki ko ito.
Sa araw na ito, sana bawa't isa sa atin ay maipahayag natin sa kahit ano'ng paraan na ipinagmamalaki natin na tayo ay Pilipino... sa isip, sa salita at sa gawa.
PS Aaminin ko gumamit ako ng Google Translate sa ibang mga salita hehehe (mahirap talaga magsulat sa ating wika!).

No comments:
Post a Comment